Pinapahalagahan ng Remitly, Inc., na isang kumpanya sa Delaware, ang pagprotekta sa pagkapribado mo. Saklaw ng Patakaran sa Pagkapribado ("Patakaran") na ito ang paraan ng pangongolekta at paggamit ng Remitly sa personal na impormasyong ibinibigay mo sa website namin kasama ang anuman sa mga serbisyong naka-host sa www.remitly.com ("Serbisyo" at "Website"), kabilang ang mga serbisyo sa money transfer na ina-access sa pamamagitan ng mga device na nakakagamit ng internet. Inilalarawan din dito ang mga opsyong mapipili mo tungkol sa paggamit namin sa personal na impormasyon mo at kung paano mo maa-access at maa-update ang impormasyong ito. Nalalapat din ang Patakarang ito kung sasali ka sa mga pananaliksik na proyekto namin.
Huling na-update ang Patakarang ito noong Enero 4, 2021.
Ipinapaliwanag sa Patakarang ito kung ano ang personal na impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo, kung kanino namin ito ibinabahagi, at kung paano mo mapipiling hindi magbahagi ng impormasyon sa mga third party sa ilang partikular na sitwasyon. Tumutukoy ang "Personal na Impormasyon" sa impormasyon gaya ng pangalan at email address na magagamit para matukoy ang personal na pagkakakilanlan mo.
Puwede naming amyendahan ang Patakarang ito anumang oras, at sa tuwing gagawin namin ito, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng pag-post ng nirebisang bersyon sa Website. Gayunpaman, kung may plano kaming gumawa ng malaking pagbabago sa paraan ng pangongolekta, paggamit, o pag-store namin sa personal na impormasyon mo, magbibigay kami ng paunang abiso sa website namin, at sa pamamagitan ng email.
Pagkatapos, magkakaroon ka ng pagkakataong magpasya kung gagamitin o ihahayag namin ang impormasyon mo sa bagong paraang iyon o hindi, sa pamamagitan ng pamamaraan sa "pag-opt out" o sa pamamagitan ng pagwawakas ng ugnayan mo sa amin. Pinakamaagang magkakaroon ng bisa ang mga naturang pagbabago, 30 araw pagkalipas ng petsa ng pagpapadala ng mga paunawa sa email.
Hinihiling namin sa mga menor de edad na huwag gamitin ang Serbisyo namin o huwag magsumite ng anumang personal na impormasyon sa amin.
Hindi kwalipikado ang mga menor de edad (mga wala pang 18 taong gulang) na gamitin ang Serbisyo namin.
Kung mayroon kang mga tanong o alalahanin tungkol sa Patakarang ito, dapat kang makipag-ugnayan sa amin.
Kokolektahin namin ang sumusunod na impormasyon sa iyo, na posibleng kinabibilangan ng hindi pampublikong personal na impormasyon:
Personal at pinansyal na impormasyong ibinibigay mo sa amin dahil sa paggamit sa Serbisyo, gaya ng iyong address, e-mail address, petsa ng kapanganakan, telephone number, iyong kumpletong Social Security number, impormasyon sa online na pag-log in sa bank account, bank account number, at credit/debit card number, o bahagi ng mga ito. Sa ilang partikular na sitwasyon, mangongolekta at magse-save rin kami ng impormasyong nakukuha mula sa (i) mga kopya ng mga opisyal na dokumentong nagbibigay ng pagkakakilanlan, kabilang ang iyong passport o Lisensya sa Pagmamaneho, at (ii) iyong larawan video/audio recording, o iba pang katibayan ng sarili mo kasama ang dokumento mong nagbibigay ng pagkakakilanlan.
Personal na impormasyon ng third party na ibinibigay mo para mapangasiwaan namin ang mga transfer ng pondo, tulad ng buong pangalan, aktwal na address, email address, at telephone number ng recipient mo. Gayunpaman, hindi kami makikipag-ugnayan sa mga recipient mo maliban na lang kung ibinilin mo o kung kinakailangan para makumpleto ang isang transaksyon. Ginagamit lang ang impormasyong ito para lang sa pagkumpleto sa iyong kahilingan o para sa anumang dahilan kung bakit ito ibinigay.
Impormasyon tungkol sa paggamit mo sa serbisyo, kabilang ang history ng transaksyon mo, at kung paano at kanino mo ginagamit ang Serbisyo para magpadala o tumanggap ng pera;
Impormasyong legal naming kinukuha mula sa mga third party, tulad ng mga serbisyo sa pag-verify ng pagkakakilanlan, mga serbisyo ng electronic na database, at mga ahensya ng pag-uulat ng credit;
Impormasyong hindi namin direktang kinukuha mula sa iyo, tulad ng impormasyon tungkol sa hardware at software na ginagamit mo kapag ina-access ang Serbisyo, IP address mo, at mga page na ina-access mo sa website na ito, at iba pang website na binibisita mo bago ang pag-access sa Serbisyo.
Ang mga teknolohiya tulad ng: mga cookies, beacon, tag, at script ay ginagamit ng Remitly, Inc. at ng mga parter o affiliate namin sa marketing, analytics, at panganib. Ginagamit ang mga teknolohiyang ito sa pagsusuri sa mga trend, pangangasiwa sa site, pagsubaybay sa pag-navigate ng mga user sa site, at para mangalap ng demograpikong impormasyon tungkol sa aming user base sa pangkalahatan. Posible kaming makatanggap ng mga paisa-isa at pinagsama-samang ulat batay sa paggamit ng mga kumpanyang ito sa mga teknolohiyang ito.
Gumagamit kami ng cookies para sa functionality ng site, pag-alala sa mga setting ng user (hal. pinagmumulan at destinasyong bansa), at para sa pag-authenticate. Makokontrol ng mga user ang paggamit sa cookies sa antas ng indibidwal na browser. Kung tatanggihan mo ang cookies, magiging limitado ang ilang feature o bahagi ng site namin.
Gaya ng ginagawa ng karamihan ng mga web site, awtomatiko kaming nangangalap ng ilang partikular na impormasyon at sino-store namin ito sa mga log file.
Ang impormasyong ito ay posibleng maglaman ng mga internet protocol (IP) address, uri ng browser, internet service provider (ISP), mga page sa pag-refer/paglabas, operating system, stamp ng petsa/oras, at/o data ng clickstream.
Puwede naming ipagsama ang awtomatikong nakolektang impormasyon ng log na ito sa iba pang impormasyong nakolekta namin tungkol sa iyo. Ginagawa namin ito para pahusayin ang mga serbisyong iniaalok namin sa iyo.
Gumagamit kami ng mga Local Storage Object (mga LSO) tulad ng HTML5 para mag-store ng impormasyon at mga kagustuhan sa content.
Ang mga third party kung kanino kami nakikipag-partner para makapagbigay ng ilang partikular na feature sa site namin o para makapagpakita ng advertising batay sa aktibidad mo sa pagba-browse sa web ay gumagamit ng mga LSO, tulad ng HTML 5 o Flash para mangolekta at mag-store ng impormasyon.
Posibleng magbigay ang iba't ibang browser ng mga sarili nitong tool sa pamamahala para sa pag-aalis ng HTML5 at mga LSO. Para pamahalaan ang mga Flash LSO, mag-click dito.
Nakikipag-partner kami sa isang third party para pamahalaan ang aming advertising sa iba pang site. Ang third party na partner namin ay posibleng gumamit ng mga teknolohiya tulad ng cookies para mangalap ng impormasyon tungkol sa mga atkibidad mo sa site na ito at sa iba pang site para makapagbigay sa iyo ng advertising batay sa iyong mga aktibidad at interes sa pagba-browse. Kung ayaw mong ipagamit ang impormasyong ito para makapagbigay sa iyo ng mga ad na nakabatay sa interes, puwede kang mag-opt out sa pamamagitan ng pag-click dito. Pakitandaang hindi ito mag-o-opt out sa iyo sa pagpapakita sa iyo ng mga ad. Patuloy kang makakakita ng mga generic na ad.
Puwede kang mag-log in sa site namin gamit ang mga serbisyo sa pag-sign in tulad ng Facebook Connect o isang Open ID provider. Ang mga serbisyong ito ay mag-o-authenticate sa pagkakakilanlan mo at magbibigay sa iyo ng opsyong magbahagi sa amin ng ilang partikular na impormasyon tulad ng pangalan at email address mo para i-prepopulate ang aming form sa pag-sign up. Nagbibigay sa iyo ang mga serbisyo tulad ng Facebook Connect ng opsyong mag-post ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad mo sa Web site na ito sa profile page mo para magbahagi sa iba na nasa network mo.
Nangongolekta kami ng Personal at Hindi personal na impormasyon para sa mga sumusunod na layunin:
Para iproseso ang mga transaksyon mo.
Para i-verify ang pagkakakilanlan mo.
Para mangolekta ng bayad para sa paggamit mo sa Serbisyo.
Para subaybayan, pahusayin, at i-personalize ang Mga serbisyo, content, at advertising namin
Para mag-troubleshoot ng mga problema sa Serbisyo.
Para makasunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon, tulad ng mga nauugnay sa mga kinakailangan sa "know-your-customer" at anti-money laundering.
Para ma-detect at mapigilan ang panloloko at iba pang ilegal na paggamit sa Serbisyo.
Para makagawa ng koneksyon ng account sa pagitan ng Remitly account mo at ng third-party na account o platform (tulad ng online bank account mo);
Para makapagpadala sa iyo ng mga paunawa sa marketing, update sa serbisyo, at promotional na alok
Para mangolekta ng impormasyon sa survey na gagamitin para subaybayan o pahusayin ang paggamit sa Serbisyo namin at kabuuang kasiyahan ng customer.
Papanatilihin namin ang impormasyon mo hangga't aktibo ang account mo o kung kinakailangan para makapagbigay sa iyo ng Serbisyo. Papanatilihin at gagamitin namin ang impormasyon mo kung kinakailangan para makasunod sa aming mga legal na pananagutan, malutas ang mga hindi pagkakaunawaan, at maipatupad ang mga kasunduan namin.
Ibabahagi namin sa mga third party ang personal na impormasyon mo gamit lang ang mga paraang inilalarawan sa patakaran sa pagkapribado na ito. Hindi namin ibinebenta o ipinaparenta sa mga third party ang impormasyong kinokolekta namin para sa mga layunin ng mga ito sa pag-promote. Awtorisado ang mga kumpanyang ito na gamitin ang iyong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan kung kinakailangan lang para maibigay sa amin ang mga serbisyong ito.
Gayunpaman, puwede kaming magbahagi ng impormasyon tungkol sa iyo (kabilang ang hindi pampubliko at personal na impormasyon) sa:
Mga third party na provider ng serbisyo na napapailalim sa kontrata sa Remitly na tumutulong sa amin sa mga operasyon namin sa negosyo, tulad ng pagpoproseso ng transaksyon, pagpigil sa panloloko, marketing, pananaliksik sa market, at pagva-validate sa ibinigay na impormasyon. Hindi puwedeng gamitin ng mga third party na ito ang impormasyon mo para sa sariling hiwalay na mga layunin sa negosyo ng mga ito.
Kung sakaling sumailalim sa pagbebenta, pagkuha, o merger ang ilan sa o lahat ng asset namin, ang personal na impormasyon mo ay posibleng kasama sa mga inililipat na asset. Aabisuhan ka namin kung sakaling magkaroon ng ganitong pangyayari, pati na rin ang tungkol sa anumang opsyong posibleng pinili mo tungkol sa personal na impormasyon mo, sa pamamagitan ng paglalagay ng paunawa sa website namin.
Tagapagpatupad ng batas, mga opisyal ng gobyerno, o iba pang third party pero kung
Iba pang third party na pinapahintulutan o inaabisuhan mo, kung saan posibleng pinapahintulutan mo ang isang pagli-link ng account para sa third party na serbisyo, account, at/o platform.
Para sa mga layunin ng patakaran sa pagkapribado na ito, ang isang "pagli-link ng account" sa naturang third party ay isang koneksyong pinapahintulutan o pinapayagan mo sa pagitan ng Remitly account mo at ng isang hindi Remitly account, instrumento sa pagbabayad, o platform na ikaw ang legal na nagkokontrol o nagmamay-ari. Kapag pinahintulutan mo ang isang naturang koneksyon, direktang makikipagpalitan ang Remitly at ang third party ng iyong personal na impormasyon at iba pang impormasyon. Kabilang sa mga halimbawa ng mga koneksyon ng account ang: pagkonekta ng iyong Remitly account sa isang third-party na kumpanya ng mga serbisyo sa pagsasama-sama ng data o serbisyo sa pananalapi, kung ibibigay mo sa naturang kumpanya ang iyong mga kredensyal sa pag-log in sa account;
Kung ikokonekta mo ang iyong Remitly account sa iba pang bank account o katulad na account, nang direkta o sa pamamagitan ng third-party na service provider, posible kaming magkaroon ng access sa iyong balanse sa account, impormasyon ng account, at impormasyon ng transaksyon, tulad ng mga pagbili at transfer ng pondo. Kung pipiliin mong mag-link ng account, posible kaming makatanggap ng impormasyon mula sa third-party tungkol sa iyo at sa paggamit mo ng serbisyo ng third-party. Gagamitin namin ang lahat ng naturang impormasyong natatanggap namin mula sa isang third-party sa pamamagitan ng pagkonekta ng account alinsunod sa patakaran sa pagkapribado na ito.
Ang impormasyong ibinabahagi namin sa isang third-party batay sa isang koneksyon ng account ay gagamitin at ihahayag alinsunod sa mga kagawian sa pagkapribado ng third party. Bago magpahintulot ng koneksyon ng account, dapat mong suriin ang paunawa sa pagkapribado ng anumang third-party na magkakaroon ng access sa personal na impormasyon mo bilang bahagi ng koneksyon ng account.
Puwede mong i-access, baguhin, i-delete, o i-update ang personal na impormasyon mo na isinumite sa Website namin sa pamamagitan ng pag-log in sa account mo at pagbabago sa mga kagustuhan mo, sa pamamagitan ng pag-email sa aming Suporta sa Customer sa makipag-ugnayan sa amin, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa ibaba. Tutugunan namin ang kahilingan mong mag-access sa loob ng makatwirang timeframe.
Personal na impormasyong kinokolekta namin: Kung lalahok ka sa anumang pananaliksik na proyekto para sa amin (sa personal, sa pamamagitan ng telepono, electronic na survey, o iba pang paraan), papanatilihin namin ang iyong pangalan, mga detaye sa pakikipag-ugnayan, at anupamang personal na impormasyong pipiliin mong ibigay sa amin kapag lumalahok sa mga pananaliksik na proyekto namin.
Paggamit sa personal na impormasyon mo: Gagamitin namin ang impormasyong ito para sa mga lehitimong interes namin sa partikular para makapagsagawa ng mga pananaliksik na proyekto na posible ring makatulong sa amin sa pagpapahusay at/o paggawa ng mga produkto at serbisyo namin.
Pagbabahagi ng personal na impormasyon mo: Ibabahagi namin ang impormasyong ito sa:
Pagpapanatili ng iyong personal na impormasyon: Papanatilihin lang namin ang personal na impormasyon mo hangga't kailangan para matugunan ang mga layunin kung bakit namin ito kinolekta, kabilang ang para sa mga layunin ng pagtugon sa anumang iniaatas ng batas o mga kinakailangan sa accounting o pag-uulat. Para matukoy ang naaangkop na panahon ng pagpapanatili para sa personal na impormasyon, isinasaalang-alang namin (bukod sa iba pang bagay) ang mga sumusunod:
Ibinubukod ng Batas sa Pagkapribado ng Consumer ng California (California Consumer Privacy Act, CCPA) ang ilang partikular na hindi pampublikong personal na impormasyon na saklaw ng Batas Gramm-Leach Bliley (Gramm-Leach Bliley Act, GLBA), na isang batas sa pagkapribado ng pederal na pamahalaan na nalalapat sa mga pinansyal na institusyon, tulad ng Remitly. Ibig sabihin nito, ang iyong hindi pampublikong personal na impormasyon na ibinibigay mo sa amin para makuha ang Serbisyo, na nagreresulta mula sa anumang transaksyong ginagawa mo gamit ang aming Serbisyo, o na nakukuha namin tungkol sa iyo na may kaugnayan sa pagbibigay namin sa iyo ng aming Serbisyo (Personal na Impormasyon na Saklaw ng GLBA), ay hindi napapailalim sa iba't ibang kinakailangang nakasaad sa CCPA. Hindi kami nangongolekta ng hindi pampublikong personal na impormasyon tungkol sa iyo na nasa labas ng Transaksyon o ng probisyon ng aming Mga Serbisyo.
Makasisiguro kang lubos naming pinapahalagahan ang pagkapribado ng iyong Personal na Impormasyon na Saklaw ng GLBA. Pinoprotektahan ang iyong Personal na Impormasyon na Saklaw ng GLBA sa ilalim ng GLBA na nag-aatas ng ilang partikular na obligasyon sa amin, at nagbibigay ito sa iyo ng ilang partikular na karapatan, lahat ng ito ay nakasaad sa Patakarang ito.
Mananatili ang mga karapatan mo kung sakaling mapailalim ang iyong hindi naka-encrypt o hindi naka-redact na Personal na Impormasyon na Saklaw ng GLBA sa pag-access at pag-exfiltrate, pagnanakaw, o paghahayag dahil sa pagkabigo naming magpatupad at magpanatili ng mga makatwiran at naaangkop na pamamaraan at kagawian.
Gumagamit kami ng mga pamantayang tinatanggap sa industriya sa pagprotekta sa impormasyong isinusumite mo sa amin sa Website namin.
Nagtakda kami ng teknolohiya sa pag-encrypt na SSL (Secure Socket Layer) para maprotektahan ang iyong sensitibong impormasyon tulad ng bank account number, credit card number, petsa ng kapanganakan, at Social Security Number, na ipinapadala sa pamamagitan ng Website namin. Humihingi rin kami ng username at password mula sa bawat user na gustong mag-access ng kanilang impormasyon sa Website namin. Gayunpaman, walang paraan ng pagpapadala sa Internet, o paraan ng electronic na storage na 100% secure. Kaya naman hindi namin matitiyak ang pagiging ganap na secure nito.
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa seguridad sa Web site namin, puwede kang makipag-ugnayan sa amin sa makipag-ugnayan sa amin.
Sa pamamagitan ng mga batas ng pederal na pamahalaan at ng estado, magagawa mong limitahan ang pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon sa ilang partikular na sitwasyon. Gayunpaman, isinasaad ng mga batas na ito na hindi mo puwedeng limitahan ang lahat ng uri ng pagbabahagi. Dahil pinili naming huwag magsagawa ng ilang partikular na uri ng pagbabahagi ng data, ang natatanging uri ng pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon na puwede mong limitahan ay ang sumusunod:
Ang Mga Site namin ay may kasamang mga link sa iba pang web site na may mga kagawian sa pagkapribado na posibleng naiiba sa mga kagawian sa pagkapribado ng Remitly, Inc. Hinihikayat ka naming basahin nang mabuti ang Patakaran sa Pagkapribado ng anumang web site na binibisita mo.
May mga bahagi ng Serbisyo ng Remitly na gumagamit ng mga serbisyo ng Google Maps, kabilang ang (mga) Google Maps API. Ang paggamit sa mga feature na ito ay napapailalim sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Paggamit ng Google Maps at sa Patakaran sa Pagkapribado ng Google.
Gumagamit kami ng chat feature para sumagot ng mga tanong tungkol sa serbisyo namin at tulungan ka sa functionality ng website namin. Kung offline ang chat feature namin, kokolektahin namin ang pangalan at email address mo para maka-reply kami sa kahilingan mo.
May Mga Social Media Feature ang website namin, gaya ng Like button ng Facebook at Mga Widget, tulad ng button na I-share ito o mga interactive na mini-program na tumatakbo sa site namin. Posibleng kolektahin ng Mga Feature na ito ang IP address mo, aling page ang binibisita mo sa site namin, at posible itong magtakda ng cookie para gumana nang maayos ang Feature. Hino-host ng third party o naka-host nang direkta sa Site namin ang Mga Social Media Feature at Widget. Ang mga pakikipag-ugnayan mo sa Mga Feature na ito ay saklaw ng patakaran sa pagkapribado ng kumpanyang nagbibigay nito.
Puwede kang mag-import ng mga contact mula sa Gmail at Yahoo Mail mo para imbitahan silang maging mga miyembro ng site namin. Hindi namin kinukuha ang username at password ng email account na napili mo kung saan kukunin ang mga ii-import na contact mo dahil direkta mo itong ibinigay sa Gmail at Yahoo, at pagkatapos ng pag-apruba mo, ipinapadala ng mga ito sa amin ang mga contact mo sa email. Kapag ibinilin mo, magpapadala kami ng imbitasyon sa email at ng maximum na isang email ng paalala bilang karagdagan sa orihinal na imbitasyon.
Kung pipiliin mong gamitin ang aming serbisyo sa referral para ipaalam sa isang kaibigan ang tungkol sa site namin, hihingin namin sa iyo ang pangalan at email address ng kaibigan mo. Awtomatiko kaming magpapadala sa kaibigan mo ng email at ng maximum na isang email ng paalala na nag-iimbita sa kanyang bisitahin ang site. Sino-store ng Remitly, Inc. ang impormasyong ito para sa layunin ng pagpapadala ng email na ito at pagsubaybay sa tagumpay ng referral mo.
Puwedeng hilingin ng kaibigan mo na alisin namin ang impormasyong ito sa database namin.
Kung mayroon kang reklamo, makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer ng Remitly, online; sa pamamagitan ng telepono sa 1-888-736-4859; o sa pamamagitan ng email sa makipag-ugnayan sa amin.
Puwede kang makipag-ugnayan sa amin tungkol sa anumang tanong o alalahanin sa: Remitly, Inc., 1111 3rd Ave, Suite 2100, Seattle, WA 98101
Email: Serbisyo sa Customer makipag-ugnayan sa amin
Toll-Free na Telepono: 1-888-736-4859