I-print at/o i-download ang PDF

PATAKARAN SA PRIVACY

Huling na-update: 09/07/2023

PATAKARAN SA PRIVACY

TUNGKOL SA PATAKARANG ITO

SINO KAMI?

ANONG PERSONAL NA DATA ANG KINOKOLEKTA NAMIN?

PAANO NAMIN KINOKOLEKTA ANG IYONG PERSONAL NA DATA?

PAANO NAMIN GINAGAMIT O PINOPROSESO ANG IYONG PERSONAL NA DATA?

KANINO NAMIN IBINABAHAGI ANG IYONG PERSONAL NA DATA?

GUMAGAWA BA KAMI NG AUTOMATED NA PASYA PARA SA IYO?

ANO ANG AKING MGA KARAPATAN SA PRIVACY?

PAANO NAMIN PINOPROTEKTAHAN ANG IYONG DATA?

PAGTA-TRANSFER NG PERSONAL NA DATA SA LABAS NG EEA O UK

GAANO NAMIN KATAGAL PINAPANATILI ANG IYONG DATA?

MGA PAGBABAGO SA PATAKARANG ITO

MGA LINK SA MGA THIRD PARTY NA WEBSITE AT SERBISYO

ABISO SA PRIVACY NG REFERRAL PROGRAM

MGA BATA

PAGSASALIN NG PATAKARAN SA PRIVACY

PAKIKIPAG-UGNAYAN AT MGA REKLAMO

ANG AMING KAUGNAYAN SA IYO

ANO ANG AMING LEGAL NA BATAYAN PARA SA PAGPOPROSESO NG IYONG PERSONAL NA DATA?

TUNGKOL SA PATAKARANG ITO

Ang Patakaran sa Privacy na ito ("Patakaran") ay nalalapat sa mga website na matatagpuan sa
remitly.com, mga mobile application ng Remitly at sa pamamagitan ng anupamang
program (kasama na ang mga Research program ng Remitly), website, o
application na pag-aari at pinapatakbo ng Remitly na nagdirekta sa iyo sa
Patakarang ito.

Ang Patakarang ito, kasama ng aming Kasunduan
sa User
(at anumang
karagdagang tuntunin ng paggamit na binanggit sa aming Kasunduan sa User) ay nalalapat sa iyong
paggamit ng aming Mga Serbisyo.

Kapag gumamit kami ng iba pang mga naka-capitalize na salita at parirala sa Patakarang ito (gaya ng
Kasunduan, Profile, Mga Serbisyo, at Transaksyon), may katulad na kahulugan
ang mga ito gaya ng ibinigay sa mga ito sa aming Kasunduan
sa User
, maliban kung
iba ang pagpapakahulugan namin sa mga ito sa Patakarang ito.

SINO KAMI?

Ang anumang personal na data na ibinigay sa o nakalap ng aming Mga Serbisyo ay kinokontrol
ng nalalapat na Remitly affiliate na nakabatay sa iyong tinitirhang
bansa. Tingnan ang talahanayan sa seksyong "Ang Aming Kaugnayan Sa Iyo" ng
Patakarang ito para matukoy kung aling entity ang nagkokontrol sa pagkolekta at paggamit ng
iyong personal na data.

ANONG PERSONAL NA DATA ANG KINOKOLEKTA NAMIN?

Ang personal na data na kokolektahin namin mula sa iyo ay nakadepende sa kung paano ka nakikipag-interact
sa amin at sa aming mga produkto at serbisyo. Kapag sinabi naming "personal na data" o
"personal na impormasyon" ang tinutukoy namin ay anumang impormasyong nauugnay sa isang
nakilala o makikilalang natural na tao. Ang mga sumusunod ay ang
mga kategorya at partikular na uri ng personal na data o impormasyong maaari naming
kolektahin:

Pangunahing Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan: Kasama ang iyong buong pangalan (kasama ang
mga alyas), postal address, e-mail address, numero ng telepono, petsa ng kapanganakan,
kasarian, trabaho at employer, username o handle sa social media, o
iba pang katulad na identifier (kasama ang isang customer ID na awtomatiko naming binuo
para makilala ka sa aming mga system).

Impormasyon ng Suporta sa Customer: Impormasyong ibinibigay mo sa amin kapag
nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyo sa customer o sa aming mga tanggapan kasama ang mga recording ng tawag (gaya ng
kapag nire-record namin ang mga tawag para sa serbisyo sa customer para sa pagtiyak ng kalidad).

Pagkakakilanlan o Mga Rekord na Bigay ng Gobyerno: Kasama ang iyong lisensya sa
pagmamaneho, identification card na bigay ng estado o bansa (gaya ng
isang passport, lisensya sa pagmamaneho, mga identity card sa military o immigration o
visa, national identification card), pati na rin larawan o recording
ng sarili mo kasama ang iyong dokumento ng pagkakakilanlan, mga rekord ng katibayan ng
address (hal., utility bill, loan, o mortgage statement), o ebidensya kung
paano mo popondohan ang iyong Transaksyon (hal., bank statement o pay slip).

Impormasyon ng Marketing at Pakikipag-ugnayan: Kasama ang mga kagustuhan mong
tumanggap ng marketing mula sa amin at aming mga third party, mga kagustuhan sa
pakikipag-ugnayan, at impormasyong natanggap namin mula sa pananaliksik sa market,
mga advertising network, o analytics provider nang naayon sa batas.

Impormasyon sa Pagbabayad: Kasama ang iyong mga detalye ng financial o payment instrument
(alinman sa debit/credit card) o mga detalye ng bank account.

Impormasyon ng Mga Promotion at Kumpetisyon: Kasama ang iyong pangalan at email
address at ilang partikular na iba pang personal na impormasyong posibleng hilingin sa iyong ibigay
para lumahok sa mga promotion o kumpetisyon.

Impormasyon ng Recipient: Kasama ang buong pangalan, postal
address, numero ng telepono ng iyong recipient, depende sa mga deyalye ng
ilang partikular na financial institution o financial account na pinili sa paraan ng disbursement gaya ng bank
account o mobile wallet account. Kung may hindi pagkakaunawaan tungkol sa kung
natanggap ng iyong recipient ang pera, puwede kaming humiling sa iyo ng karagdagang
impormasyon para ma-verify namin ang kanyang pagkakakilanlan sa financial
institution.

Impormasyon ng Referral: Impormasyong ibinibigay mo sa amin tungkol sa iyong kaibigan gaya ng
pangalan at email address para sabihin sa kanila ang tungkol sa aming mga serbisyo.

Sensitibong Personal na Data: Kasama ang biometric data, pangunahin ang impormasyon ng
pag-scan ng mukha mula sa mga larawan at video na ibibigay mo para sa mga layuning pag-verify ng pagkakakilanlan
at pagsubaybay sa aktibidad sa pag-login at sa iyong mga pakikipag-interact sa aming
site para protektahan ang iyong account at matukoy ang kahina-hinala o mapanlokong
aktibidad.

Impormasyon ng Survey at Feedback: Kasama ang impormasyon gaya ng iyong
pangalan, email address, o iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan, mga sagot sa mga survey,
review, feedback, testimonial at ilang partikular na ibang personal na impormasyon
na posibleng hilingin sa iyong ibigay (kasama rito ang aming #WhyISend survey).

Teknikal na Impormasyon: Kasama ang hardware at software na gagamitin mo para
i-access ang aming Mga Serbisyo, impormasyon ng network, internet service provider,
operating system, ang uri ng browser na ginagamit mo, natatanging identifier ng device
(hal. ang IMEI number, MAC address, o mobile number ng iyong device), IP
address, iba pang mga katulad na natatanging identifier, iyong kasalukuyang lokasyon (paggamit ng
GPS technology, kung saan kinakailangan ng ilan sa aming Serbisyong naka-enable ang lokasyon ng
iyong personal na data para gumana ito).

Impormasyon ng Transaksyon: Kasama ang iyong history/mga log ng transaksyon
(kasama ang natatanging reference number ng Transaksyon), mga resibo ng transaksyon,
layunin ng mga transfer, kaugnayan sa recipient, iyong average na
halaga ng transaksyon, gaano mo kadalas balak na gamitin ang aming Mga Serbisyo, kung
binabalak mong mag-send sa maraming recipient, at mga referral reward.

Impormasyon ng Paggamit: Kasama ang impormasyon sa iyong mga interaction sa aming
Mga Serbisyo o Site o aktibidad sa pag-browse o paghahanap.

PAANO NAMIN KINOKOLEKTA ANG IYONG PERSONAL NA DATA?

Kinokolekta namin ang personal na data tungkol sa iyo mula sa iba't ibang mga source. Halimbawa, kinokolekta at
kinukuha namin ang impormasyon:

Direkta mula sa iyo

Kinokolekta namin ang personal na data na ibinibigay mo, gaya ng kapag ginamit mo ang aming Serbisyo,
gumawa ng profile, nakipag-ugnayan sa amin (kasama sa pamamagitan ng chat), sumagot sa isang survey,
nakipag-interact sa amin sa mga event, lumahok sa sweepstakes, contest, o
iba pang katulad na campaign o promotion (kasama ang WhyISend), sumagot sa isang
survey, nag-post ng review, o nag-sign up para makatanggap ng mga email, text message,
at/o postal mailing.

Paggamit ng cookies at iba pang teknolohiya ng awtomatikong pagkolekta ng data

Kapag binisita mo ang aming mga website, ginamit ang aming app, binuksan o na-click ang mga email na
na-send namin sa iyo, o nakipag-interact sa aming advertisement, awtomatiko naming kinokolekta o ng mga third party na katuwang namin
ang ilang partikular na impormasyon gamit ang mga teknolohiya
gaya ng cookies, web beacon, clear GIF, pixel, internet tag, web
server log, at iba pang tool sa pagkolekta ng data. Para sa higit pang impormasyon,
pakitingnan ang aming Patakaran sa Cookie.

Mula sa Iba Pang Source

Puwede kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba pang source, gaya ng mga provider ng data
analytics, provider ng serbisyo sa marketing o advertising, social
media platform o network, provider ng serbisyo sa pagpigil sa panloloko o
pag-verify ng pagkakakilanlan, electronic na database, ahensyang nag-uulat ng credit,
vendor na nagbibigay ng mga serbisyo sa ngalan namin, o source na available sa
publiko.

PAANO NAMIN GINAGAMIT O PINOPROSESO ANG IYONG PERSONAL NA DATA?

Gagamitin lang namin ang iyong personal na data kapag lang pinayagan kami ng batas. Depende
kung nasaan kang bansa, umaasa kami sa mga sumusunod na legal na base
para iproseso ang iyong personal na data:

SUMUNOD SA MGA LEGAL NA OBLIGASYON

Ginagamit namin ang personal na data para sumunod sa aming mga legal o panregulatoryong obligasyon,
para itakda o gamitin ang aming mga karapatan, at para magdepensa laban sa legal na
claim.

Seguridad at Pagpigil sa Panloloko

Ginagamit namin ang personal na data para tukuyin, imbestigahan, pigilan, o aksyunan ang
posibleng mapaminsala, mapanlinlang, mapanloko, o ilegal na
aktibidad, kasama na ang mga mapanlokong transaksyon, pagtatangkang manipulahin o
labagin ang aming mga patakaran, pamamaraan, at tuntunin at kundisyon, insidente sa
seguridad, at pinsala sa mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Remitly at ng
aming mga user, customer, empleyado, o iba pa.

Sumunod sa Mga Naaangkop na Batas

Ginagamit namin ang iyong personal na data para sumunod sa mga naaangkop na batas at
regulasyon, gaya ng mga nauugnay sa "know-your-customer,"
mga requirement sa anti-money laundering, batas ukol sa mga sanction, at ang
iba't ibang nauugnay na panregulatoryong panuntunan at gabay kaugnay ng pagsiyasat sa
panganib, scoring sa panganib, panloloko, counter terrorist financing,
anti-money laundering, pagprotekta sa consumer, at pangangasiwa sa reklamo.

PARA MAGPATUPAD NG KONTRATA

Para Ibigay ang Aming Mga Serbisyo

Ginagamit namin ang iyong personal na data kapag ina-access o ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo, kasama
para iproseso ang iyong (Mga) Transaksyon, panatilihin at pamahalaan ang iyong account,
i-deliver/tugunan ang mga promotional offer o reward (kasama ang aming referral
program), iproseso ang mga bayad.

Pakikipag-ugnayan sa Iyo

Ginagamit namin ang iyong personal na data para makipag-ugnayan sa iyo, gaya ng para tugunan
at/o i-follow up ang iyong mga kahilingan, tanong, isyu o feedback, at para
magbigay ng serbisyo sa customer.

PAHINTULOT O LEHITIMONG INTERES

Mga Layuning Pang-marketing at Pang-promotion

Ginagamit namin ang personal na data para sa mga layuning pang-marketing at pang-promotion, gaya ng para
mag-send ng mga pakikipag-ugnayan kaugnay ng marketing, advertising, at promotion sa pamamagitan ng email,
text message o postal mail; para magpakita sa iyo ng mga advertisement para sa mga produkto
at/o serbisyong iniangkop sa iyong mga interes sa social media at iba pang
website; at para ibigay ang aming mga promotion para sa bagong customer, sweepstakes,
contest, at iba pang katulad na promotion.

Analytics at Pag-personalize

Ginagamit namin ang personal na data para magsagawa ng pananaliksik at analytics, kasama na para
pahusayin ang aming mga ino-offer na serbisyo at produkto; para maunawaan kung paano ka
nakikipag-interact sa aming mga website, mobile app, advertisement, at
pakikipag-ugnayan sa iyo para pahusayin ang aming mga website, app, at marketing
campaign (business at marketing analytics); para i-personalize ang iyong
karanasan, para makatipid ka ng oras kapag bumisita ka sa aming mga website at app, at para
i-customize ang marketing at advertising na ipinapakita namin sa iyo; para maunawaan
kung paano mo ginagamit ang aming app at website.

Iba Pang Layunin sa Negosyo o Komersyo

Sa iyong direksyon o sa pahintulot mo, maaari naming iproseso ang ilang partikular na personal na
data para tugunan ang anupamang layunin sa negosyo o komersyo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga legal na base para sa pagproseso ng iyong
personal na data, pakitingnan ang seksyon sa ibaba na may pamagat na, "Ano ang Aming Legal na
Batayan para sa Pagpoproseso ng iyong Personal na Data?".

KANINO NAMIN IBINABAHAGI ANG IYONG PERSONAL NA DATA?

Bukod pa sa mga partikular na sitwasyong tinalakay sa ibang lugar sa
patakaran sa privacy na ito, ipinapahayag namin ang personal na data sa mga sumusunod na
pagkakataon:

Mga Corporate Affiliate

Maaari kaming magbahagi ng personal na data sa aming mga corporate affiliate, kasama na ang aming
parent company, mga affiliate, at subsidiary. Ang mga nasabing corporate affiliate ay
nagpoproseso ng personal na data sa aming ngalan para magbigay ng mga serbisyo o sa ibang
sitwasyon nang may pahintulot mo o ayon sa pinapahintulutan o iniaatas ng batas.

Mga Provider ng Serbisyo

Nagbabahagi kami ng ilang partikular na personal na data sa mga third party na nagsasagawa ng mga serbisyo
para suportahan ang mga function at internal operation ng aming pangunahing negosyo. Kasama rito ang
mga bangko, disbursement provider, o iba pang financial institution na
nagkukumpleto ng iyong transfer o iba pang kahilingan sa financial service (kasama na ang
mga processor ng bayad), pag-verify ng pagkakakilanlan o mga KYC service provider,
third party na nagbibigay ng software at mga tool para mag-send ng postal mail,
mga e-mail at text message, o mag-analyze ng data ng customer, magbigay ng tulong sa
marketing, mamahala ng aming mga review, pag-imbestiga sa mapanlokong aktibidad,
pagsasagawa ng mga survey sa customer, at na-outsource na provider ng serbisyo sa customer.

Mga Third Party na Partner

Maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa mga third party na ginawa naming partner
para magkasamang gumawa at mag-offer ng produkto, serbisyo, o joint
promotion. Maaari din naming ibahagi ang iyong personal na data sa aming mga banking o
distribution partner sakaling maghinala kami na nilalabag mo ang aming
mga tuntunin o sumasali ka sa mapanlokong gawi ayon sa pagkakaugnay nito sa aming negosyo.
Ang paggamit nila ng iyong impormasyon ay hindi nasasaklawan ng patakaran sa privacy na ito,
ngunit ng kanilang kani-kaniyang mga patakaran sa privacy.

Mga Social Media Platform at Network

Ang ilan sa aming website ay may mga feature gaya ng mga plugin, widget, o iba pang
tool na ginagawang available ng mga third party na maaaring magresulta sa
pagkolekta o pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan namin at ng third party. Halimbawa,
kung ginagamit mo ang aming referral feature para mag-refer ng mga tao sa pamamagitan ng WhatsApp, Facebook,
email, o SMS. Ang paggamit nila ng iyong impormasyon ay hindi nasasaklawan ng
patakaran sa privacy na ito.

Mga Transaksyon sa Negosyo

Kung nasangkot kami sa isang merger, corporate transaction, o isa pang
sitwasyong kinasasangkutan ng transfer ng ilan o lahat ng aming asset sa negosyo,
maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon sa mga entity ng negosyo o taong sangkot sa
negosasyon o transfer.

Legal na Proseso

Maaari kaming maghayag ng personal na data bilang tugon sa mga subpoena, warrant, utos ng
hukuman, inquiry o imbestigasyon ng gobyerno, o para sumunod sa
mga nauugnay na batas at regulasyon. Maaari din kaming maghayag ng impormasyon para
itakda, gamitin, o protektahan ang aming mga karapatan o ang mga karapatan ng iba; para
magdepensa laban sa legal na claim; para protektahan ang kaligtasan at seguridad ng aming
mga bisita; para matukoy ang at magprotekta laban sa panloloko; at para gumawa ng pagkilos
tungkol sa mga posibleng ilegal na aktibidad o paglabag sa aming mga patakaran.

Iba Pang Pagkakataon

Maaari naming itanong kung gusto mong ibahagi namin ang iyong impormasyon sa ibang
third party na hindi inilalarawan sa ibang lugar sa Patakarang ito.

BAKIT KAMI NAGPOPROSESO NG PERSONAL NA DATA?

Maaari naming hilingin sa iyo na partikular na pahintulutan ang pagkolekta, paggamit at
pag-store ng iyong biometric data sa proseso ng pag-verify, kapag
kinakailangan ito ng mga regulasyon sa privacy sa iyong hurisdiksyon. Kung hindi ka magbibigay ng
pahintulot, mag-o-offer kami ng mga alternatibong paraan para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan na posibleng
mas matagal. Hindi kami magpapahayag o magbabahagi ng anumang biometric data sa sinuman
maliban sa aming mga provider ng pag-verify ng pagkakakilanlan, o kapag inatasan ng
mga naaangkop na batas at regulasyon, o alinsunod sa isang valid na utos mula sa isang
hukuman.

GUMAGAWA BA KAMI NG AUTOMATED NA PASYA PARA SA IYO?

Gumagamit kami ng mga automated na proseso para suriin kung nakakatugon ang iyong access sa aming mga serbisyo at
ang iyong paggamit ng aming mga serbisyo sa kinakailangan naming pamantayan, kasama ang pag-verify
sa iyong pagkakakilanlan, at para makatulong na mapigilan ang panloloko o iba pang mga ilegal na aktibidad.
Sa mga prosesong ito, maaaring gumawa ng automated na pasya para tanggihan ang iyong iminumungkahing
transaksyon, i-block ang isang kahina-hinalang pagtatangka na mag-login sa account mo, o
isara ang iyong account. Kung sa palagay mo ay posibleng naapektuhan ka ng isang
automated na proseso, makipag-ugnayan sa aming Privacy team sa
DPO@Remitly.com.

ANO ANG AKING MGA KARAPATAN SA PRIVACY?

Ang aming mga customer sa ilang partikular na rehiyon ng mundo ay may mga partikular na karapatan sa
privacy ng data batay sa naaangkop na batas sa privacy (kasama ang pero hindi
limitado sa mga batas ng Europe o UK). Nagsisikap kaming ipatupad ang pinakamahuhusay na kasanayan sa
privacy bilang pamantayan para sa lahat ng aming customer.

I-access ang Iyong Data at Portability ng Data

Maaari mong hilingin na bigyan ka namin ng kopya ng iyong personal na data na hawak
namin. Ibibigay ang impormasyong ito nang walang pagkaantala nang napapailalim sa
ilang partikular na pagbubukod o limitasyon, kasama na kung ang nasabing probisyon ay negatibong
nakakaapekto sa mga karapatan at kalayaan ng ibang tao.

Iwasto ang Iyong Data / Pag-rectify ng Data

May karapatan kang hilingin na i-update at iwasto namin ang mga mali sa
iyong personal na data. Maaari mong i-update ang ilang partikular na impormasyong nauugnay sa iyong
account sa pamamagitan ng pag-log in sa account mo sa aming site o app, kung naaangkop
o kaya naman ay pakikipag-ugnayan sa amin ayon sa inilalarawan sa seksyong Paggamit sa Iyong Mga Karapatan sa
Privacy sa ibaba.

Pag-delete/Pagbura ng Data

Maaari mong hilinging burahin ang iyong personal na data, nang napapailalim sa naaangkop na batas.
Kung isasara mo ang iyong account, mamarkahan namin ang iyong account sa aming database bilang
"Isinara," pero papanatilihin namin ang ilang partikular na impormasyon ng account sa loob ng
isang yugto ng panahon ayon sa inilalarawan sa ibaba. Kinakailangan ito para maiwasan ang panloloko, sa pamamagitan ng pagtiyak
na hindi maiiwasan ng mga taong sumusubok na magsagawa ng panloloko ang pagkakahuli sa pamamagitan lang ng
pagsara ng kanilang account at pagbubukas ng bagong account, at para sumunod
sa aming mga legal na obligasyon. Gayunpaman, kung isasara mo ang iyong account, hindi namin gagamitin ang iyong
personal na data para sa anupamang layunin, o
hindi namin ito ibabahagi sa mga third party, maliban kung kinakailangan para maiwasan ang panloloko at
makatulong sa pagpapatupad ng batas, ayon sa kinakailangan ng batas, o alinsunod sa
Patakarang ito.

Limitahan ang Pagpoproseso ng Mga Kahilingan sa Data

May karapatan kang hilingin na limitahan o tutulan ang pagpoproseso o paglilipat
namin ang iyong personal na data sa ilalim ng ilang partikular na sitwasyon. Maaari mong
tutulan ang anumang pagpoproseso batay sa mga lehitimong interes kapag
may nauugnay sa iyong partikular na sitwasyon kung saan mararamdaman mong
ang pagpoproseso batay dito ay makakaapekto sa iyong mga pangunahing karapatan at kalayaan.

Mag-unsubscribe sa Direktang Marketing

May karapatan kang hilingin sa amin na huwag iproseso ang iyong personal na impormasyon
para sa mga layuning pang-marketing. Maaari mong gamitin ang karapatang ito anumang oras
sa pamamagitan lang ng pagsasagawa ng mga pagkilos na 'mag-unsubscribe' na ginawang available sa iyo
(gaya ng pag-click sa link na 'mag-unsubscribe' sa bawat promotional email na
sine-send namin sa iyo). Susundin namin ang pipiliin mo at hindi na kami magse-send sa iyo ng mga nasabing
pakikipag-ugnayan. Pakitandaang kung hihilingin mo sa amin na huwag makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng
email sa isang partikular na email address, magpapanatili kami ng kopya ng email
address na iyon sa "suppression list" para makasunod sa iyong kahilingang huwag nang
makipag-ugnayan. Malaya mong mababago ang iyong mga pinili sa marketing anumang oras.

Maaari mo ring kontrolin kung paano namin ginagamit ang ilan sa iyong personal na data bilang bahagi ng
aming Mga Serbisyo (gaya ng kung paano kami maaaring makipag-ugnayan sa iyo) sa pamamagitan ng pagkumpirma sa
iyong mga kagustuhan sa Profile mo. Pakitandaang hindi lahat
ng komunikasyon ay maaaring i-off – halimbawa, maaaring kailanganin naming
mag-send sa iyo ng mga abiso sa email tungkol sa aming Mga Serbisyo para sumunod sa aming mga legal na
obligasyon sa ilalim ng mga pambansang batas at panregulatoryong gabay.

Automated na Indibidwal na Pagpapasya, Kasama na ang Profiling

Sa ilang hurisdiksyon, may karapatan kang hindi mapailalim sa isang pasya
na batay lang sa automated na pagpoproseso ng iyong personal na data,
kasama na ang profiling, na may mga legal o katulad na malalaking
epekto sa iyo, maliban sa mga pagbubukod na naaangkop sa ilalim ng mga nauugnay na batas sa
proteksyon ng data. Maaari naming tanggihan ang iyong kahilingan, ayon sa pinapahintulutan ng nalalapat na
batas, kasama kung ang pagbibigay ng impormasyon ay magreresulta sa
paghahayag ng isang trade secret o makakasagabal sa pag-iwas o
pagtukoy ng panloloko o iba pang krimen. Gayunpaman, sa pangkalahatan sa mga ganitong
sitwasyon, ive-verify namin na ang algorithm at source data ay
gumagana ayon sa inaasahan nang walang error o bias o kung kinakailangan ng batas
para i-adjust ang pagpoproseso.

Bawiin ang Iyong Pahintulot

May karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot na magproseso kami ng data,
kung saan nakabatay sa pahintulot na iyon ang aming naaayon sa batas na batayan sa pagpoproseso. Tandaang
walang epekto ang pagbawi ng pahintulot sa pagiging naaayon sa batas ng pagpoproseso
na posibleng nangyari na bago pa bawiin ang pahintulot. Kung
babawiin mo ang iyong pahintulot, posibleng hindi namin maibibigay sa iyo ang ilang partikular na produkto o
serbisyo.

Paggamit sa Iyong Mga Karapatan sa Privacy

Para magamit ang alinman sa mga karapatan sa privacy na nasa itaas, mangyaring magsumite ng kahilingan
sa pamamagitan ng isa sa sumusunod na paraan:

o

Pag-verify ng Pagkakakilanlan

Para maproseso namin ang ilang kahilingan, kakailanganin naming i-verify ang iyong pagkakakilanlan para
makumpirmang galing sa iyo ang kahilingan. Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng telepono o
e-mail para ma-verify ang iyong kahilingan.

PAANO NAMIN PINOPROTEKTAHAN ANG IYONG DATA?

Gumagamit kami ng mga pamantayang tinatanggap sa industriya sa pagprotekta sa impormasyong
isinusumite mo sa amin. Nagtakda kami ng teknolohiya sa pag-encrypt na SSL (Secure Socket Layer)
para protektahan ang iyong sensitibong impormasyon gaya ng bank account
number, credit card number, petsa ng kapanganakan at identification number ng
gobyerno, na ipinapadala sa pamamagitan ng aming Site at/o aming App. Iniaatas din namin ang
paggamit ng mga kredensyal sa seguridad (na maaaring kinabibilangan ng, halimbawa, username
at password) mula sa bawat user na gustong i-access ang kanilang impormasyon sa
aming Site at/o sa aming App.

Kapag binigyan ka namin (o pumili ka) ng mga kredensyal sa seguridad (gaya
ng password) na nagpapahintulot sa iyong i-access ang ilang partikular na bahagi ng aming Serbisyo,
responsibilidad mong panatilihing kumpidensyal at secure ang mga detalyeng ito.
Gayundin, kung papahintulutan mo ang access sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng iyong fingerprint
sa Device mo (halimbawa, sa pamamagitan ng Apple Touch ID), hindi mo dapat payagan ang
sinupamang tao na irehistro ang kanyang fingerprint sa Device na iyon dahil
posibleng mabigyan siya ng access sa aming Mga Serbisyo at maaari kang
papanagutin para sa kanyang mga pagkilos. Gayunpaman, walang paraan ng pagpapadala
sa Internet, o paraan ng electronic na storage na 100% secure.
Samakatuwid, hindi namin magagarantiya ang ganap na seguridad nito at ang anumang
pagpapadala ng personal na impormasyon ay sa sarili mong pagpapasya. Kung mayroon kang
anumang tanong tungkol sa seguridad, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa
privacy@remitly.com.

PAGTA-TRANSFER NG PERSONAL NA DATA SA LABAS NG EEA O UK

Ibinabahagi namin ang iyong personal na data sa Remitly group at sa mga external na
third party (binabanggit ang mga kategorya ng mga ito sa Patakarang ito).
Posibleng kasama rito ang pagta-transfer ng iyong personal na data sa labas ng UK o EU.
Sa tuwing ita-transfer namin ang personal na data sa labas ng EU o UK, titiyakin
naming mabibigyan ito ng katulad na antas ng proteksyon. Sa ilang
sitwasyon, maaaring i-transfer ang personal na impormasyon mo sa mga bansang natukoy ng European Commission na
nagbibigay ng sapat na antas ng proteksyon para sa
personal na data.
Sa iba pang sitwasyon, titiyakin naming ipinapatupad ang kahit isa sa mga legal na pag-iingat
, na maaaring kinabibilangan ng paggamit ng mga partikular na kontratang
inaprubahan ng (ayon sa naaangkop) Gobyerno ng UK at/o European Commission,
na nagbibigay sa personal na impormasyon ng parehong proteksyong natatanggap nito sa Europe.

GAANO NAMIN KATAGAL PINAPANATILI ANG IYONG DATA?

Papanatilihin lang namin ang iyong personal na data hanggang kinakailangan
para matugunan ang mga layunin kung para saan namin ito kinolekta, kasama na para sa mga layuning
pagtugon sa anumang kinakailangang nauugnay sa batas, accounting o pag-uulat. Para matukoy
ang naaangkop na panahon ng pagpapanatili para sa personal na data, isinasaalang-alang namin ang
sumusunod batay sa iyong bansang tinitirhan (maliban sa iba pang bagay):

  • mga obligasyon at/o panahon ng pagpapanatili na iniaatas sa amin ng mga naaangkop na batas at/o ng mga regulator namin

  • ang dami, katangian, at pagiging sensitibo ng personal na data

  • ang posibleng panganib ng pinsala mula sa hindi pinapahintulutang paggamit o paghahayag ng iyong personal na data, at

  • ang mga layunin kung para saan namin pinoproseso ang iyong personal na data at kung makakamit namin ang mga layuning iyon sa pamamagitan ng iba pang paraan.

Bilang isang pinapamahalaang financial institution, inaatasan kami ng batas na i-store ang
ilan sa iyong personal na data at data ng transaksyon nang lampas sa pagsasara ng iyong
account sa amin. Pakitandaan na sa pamamagitan ng paggamit ng aming Mga Serbisyo, hayagan kang
sumasang-ayon sa pagpapanatili namin ng iyong personal na data (kasama na ang data na nauugnay sa iyong
Mga Transaksyon at ang aming pagkolekta at pag-verify ng pagkakakilanlan mo) nang
hindi bababa sa 7 taon kasunod ng pagtatapos ng iyong legal na ugnayan sa amin.

MGA PAGBABAGO SA PATAKARANG ITO

Puwede naming amyendahan ang Patakarang ito anumang oras, at sa tuwing gagawin namin ito, aabisuhan ka
namin sa pamamagitan ng pag-post ng nirebisang bersyon sa aming Site at App. Pakisuri
ang Patakarang ito sa tuwing magsasagawa ka ng Transaksyon dahil posibleng
na-update ito simula noong unang beses kang nagparehistro para sa aming Mga Serbisyo, o simula noong
huli mong Transaksyon.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa alinman sa Patakarang ito, o sa anumang pagbabago, maaari mong tapusin ang
iyong Kasunduan sa amin at isara ang iyong Profile sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa
datasubjectrequest@remitly.com kaya naman ay makipag-ugnayan sa amin.

Ginagamit ng mga bahagi ng aming Serbisyo ang mga serbisyo ng Google Maps, kasama na ang (Mga) Google Maps
API. Ang paggamit sa mga feature na ito ay napapailalim sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Paggamit ng Google Maps at sa Patakaran sa Privacy ng Google. Sa pamamagitan ng paggamit sa Site na ito at sa Serbisyo, sumasang-ayon ka rin sa Mga Tuntunin ng Google (ayon sa paminsan-minsang pag-amyenda).

Kasama sa aming Site at App ang mga link sa iba pang website na posibleng may mga kasanayan sa privacy
na naiiba sa mga kasanayan ng Remitly. Halimbawa, para
ma-verify ang iyong pagkakakilanlan, ginagamit ng Remitly ang mga serbisyo ng Onfido. Susuriin ng Onfido
kung valid ang iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan, at kukumpirmahin din na
tumutugma ang iyong larawan sa larawang nasa mga dokumento. Pagkatapos, ibabahagi sa Remitly
ang mga resulta ng pagsusuri. Ibabahagi sa Onfido ang iyong larawan at mga ID document
para sa layuning ito at para na rin bigyang-daan ang Onfido na panatilihin,
protektahan at pahusayin ang mga serbisyo nito. Makikita ang kopya ng patakaran sa privacy ng
Onfido dito. Gumagawa rin kami ng impormasyon batay sa aming pag-aanalisa ng impormasyong nakolekta
namin mula sa iyo.

Kung magsusumite ka ng personal na impormasyon sa alinman sa mga website na iyon, ang impormasyon mo
ay pinapangasiwaan ng mga patakaran sa privacy ng mga ito at hindi namin tinatanggap ang
anumang responsibilidad o pananagutan para sa mga patakarang ito o para sa anumang personal na
impormasyon na maaaring kolektahin at iproseso sa pamamagitan ng mga website o
serbisyong iyon (gaya ng data sa pakikipag-ugnayan at lokasyon). Hinihikayat ka naming basahin
nang mabuti ang patakaran sa privacy ng anumang website o software application
na ginagamit o binibisita mo.

Hindi sinasaklaw ng Patakarang ito ang mga kasanayan ng mga third party na maaaring makaugnayan mo
habang ginagamit ang Mga Serbisyo, gaya ng iyong mobile network
operator o iba pang user ng aming Mga Serbisyo. Dapat kang makipag-ugnayan sa kanila tungkol sa
kanilang patakaran sa privacy bago magbigay sa kanila ng anumang personal
na impormasyon.

ABISO SA PRIVACY NG REFERRAL PROGRAM

Sa paggamit sa aming serbisyo ng referral sa pamamagitan ng e-mail para sabihin sa isang kaibigan ang tungkol sa aming
Mga Serbisyo, kakailanganin mong ibigay ang pangalan at email
address ng iyong kaibigan. Bago kami bigyan ng access sa mga detalye ng sinupamang tao, dapat mong
kunin ang kanyang paunang pahintulot sa pagbabahagi mo sa amin ng kanyang personal na data
at ipapaalam namin sa kanyang ibinigay mo sa amin ang kanyang mga detalye.

Kapag ginawa mo ang sumusunod:

  • nag-import ng iyong mga contact, batay sa sasabihin mo, magse-send kami ng imbitasyong email at pinakamarami na ang isang paalalang email na nag-iimbita sa kanyang bisitahin ang aming Site. Sino-store namin ang impormasyong ito para sa natatanging layunin ng pagse-send ng email na ito; at/o

  • nag-refer sa amin ng kaibigan, awtomatiko kaming magse-send sa iyong kaibigan ng email at pinakamarami na ang isang paalalang email na nag-iimbita sa kanyang bisitahin ang aming Site. Sino-store namin ang impormasyong ito para sa natatanging layunin na pagse-send ng email na ito at pagsubaybay sa tagumpay ng referral mo.

Sa parehong sitwasyon, magagawa ng iyong contact/kaibigan anumang oras na HILINGING ALISIN
ang impormasyong ito sa aming database at susundin namin ang nasabing kahilingan. Papanatilihin
namin ang kopya ng email address na iyon sa "suppression list" para
makasunod sa kanyang kahilingang bawal makipag-ugnayan. Malaya niyang mababago ang
kanyang mga pinili sa marketing anumang oras.

MGA BATA

Hinihiling naming iwasan ng mga taong wala pang 18 taong gulang (na itinuturing naming mga bata at
menor de edad) na gamitin ang aming mga Serbisyo o magsumite ng anumang personal na
impormasyon sa amin. Ang mga taong wala pang 18 taong gulang ay hindi kwalipikadong
gumamit ng aming Mga Serbisyo at kung matutuklasan namin na nagparehistro ng Profile sa amin ang
isang taong wala pang 18 taong gulang, isasara namin ito.

PAGSASALIN NG PATAKARAN SA PRIVACY

Ang Patakarang ito ay binalangkas sa wikang English at maaaring magbigay ng
mga pagsasalin sa iba pang wika. Sumasang-ayon kang mangingibabaw ang English na bersyon ng
Patakaran kung sakali mang magkaroon ng hindi pagtutugma sa pagitan ng
English na bersyon at mga isinaling bersyon kaugnay ng anumang hindi pagkakaunawaang nauugnay sa Patakarang ito.

PAKIKIPAG-UGNAYAN AT MGA REKLAMO

Kung mayroon kang anumang tanong, komento, o kahilingan tungkol sa aming patakaran sa
privacy, maaari kang makipag-ugnayan sa privacy@remitly.com.

Kung sa palagay mo ay hindi namin sapat na natugunan ang iyong mga tanong o
alalahanin, o naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatan sa proteksyon ng data o privacy
, puwede kang magreklamo sa sinumang awtoridad sa pangangasiwa o
iba pang pampublikong lupon na may pananagutan sa pagpapatupad ng mga batas sa privacy, gaya
ng nakalista sa seksyong may pamagat na "Ang Aming Kaugnayan sa Iyo."

ANG AMING KAUGNAYAN SA IYO

Remitly Entity Nakarehistrong Address Awtoridad sa Proteksyon ng Data Data Protection Officer (DPO)
Para sa mga residente ng EEA Remitly Europe Ltd 7TH FLOOR PENROSE TWO, PENROSE DOCK, CORK, IRELAND, T23 YY09 Data Protection Commission (DPC) DPO@remitly.com
Para sa mga residente ng UK Remitly U.K. Ltd 90 WHITFIELD STREET, LONDON W1T 4EZ, UNITED KINGDOM Information Commissioner's Office (ICO) DPO@remitly.com
Mga Uri ng Personal na Data Ang Aming Legal na Batayan para sa Pagpoproseso
Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Kung hindi mo ibibigay ang impormasyong ito, hindi ka makakagawa ang anumang Transaksyon. Pagtupad sa isang kontrata kasama ka, na tinatawag na ating Kasunduan sa User. Kinakailangan para sa mga lehitimong interes namin o ng mga third party kasama na para: - 1. Mangolekta ng bayad para sa iyong paggamit ng aming Mga Serbisyo; - 2. I-troubleshoot ang mga isyu sa iyong account o sa aming Mga Serbisyo;- 3. Magsagawa ng pag-aanalisa ng data, trend, at pananalapi, pagsusuri, at pag-track sa Serbisyo;- 4. Sagutin, pangasiwaan, at iproseso ang mga query, kahilingan, reklamo, application, at mga kagaya nito; - 5. Kunin ang feedback ng customer sa, at tulungan kaming i-track, pahusayin, i-personalize, at i-develop, ang aming Mga Serbisyo, content, at advertising; - 6. Subaybayan at sanayin ang aming serbisyo sa customer at mga nauugnay na team; - 7. Bigyan ka ng mga reward o incentive para sa paggamit o pagerekomenda ng aming Mga Serbisyo;- 8. Magsagawa ng business at marketing analytics; - 9. Palaguin ang iyong negosyo at i-inform ang aming mga diskarte sa marketing at advertising campaign; - 10. Mangolekta ng impormasyong magbibigay ng kakayahan sa aming maunawaan kung bakit at paano ka nakikipag-interact sa amin at sa aming Mga Serbisyo; - 11. Makipagtulungan sa aming mga third party partner para kami at/o sila ay makapag-offer, makapagbigay at/o makapag-track ng mga reward, incentive at/o performance ng mga campaign; - 12. Makapag-send sa iyo ng mga update sa serbisyo at promotional na offer; - 13. Maipakita sa iyo ang aming Mga Serbisyo, o magsagawa ng pananaliksik sa market (basta't papayagan kami ng iyong mga kagustuhan sa marketing at pakikipag-ugnayan sa iyong Profile na gawin ito); at, - 14. Gamitin ang mga legal na karapatan at/o depensahan ang mga claim.
Impormasyon ng Suporta sa Customer Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas. Pagtupad sa isang kontrata kasama ka, na tinatawag na ating Kasunduan sa User.
Pagkakakilanlan o Mga Rekord na Bigay ng Gobyerno Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Pagtupad sa isang kontrata kasama ka, na tinatawag na ating Kasunduan sa User. Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas.
Impormasyon ng Marketing at Pakikipag-ugnayan Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas.
Impormasyon ng Pagbabayad Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes para mangolekta ng bayad para sa iyong paggamit ng aming Mga Serbisyo.
Impormasyon ng Mga Promotion at Kumpetisyon Pagtupad sa isang kontrata kasama ka.
Impormasyon ng Recipient Pagtupad sa isang kontrata kasama ka, na tinatawag na ating Kasunduan sa User. Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon.
Impormasyon ng Referral Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes (para i-market sa kanila ang aming mga serbisyo).
Sensitibong Personal na Data Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Kinakailangan din ito sa mga dahilang malaking interes ng publiko (pag-iwas o pagtukoy sa mga kilos na labag sa batas, kinakailangan sa regulasyong nauugnay sa mga pagkilos na labag sa batas at pagiging hindi matapat at paghihinala ng terrorist financing o money laundering). Kung saan pinapayagan lang kami ng mga batas sa proteksyon ng data na magproseso ng biometric data nang may pahintulot mo, hihingin namin ang iyong pahintulot bago ang pagpoproseso.
Impormasyon ng Survey at Feedback Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas. WhyISend Campaign: Pahintulot.
Teknikal na Impormasyon Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas.
Impormasyon ng Transaksyon Para sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas.
Impormasyon ng Paggamit Kinakailangan para sa isa o higit pang mga lehitimong interes na itinakda sa “Basic na Impormasyong Nagbibigay ng Pagkakakilanlan” sa itaas.