I-print at/o i-download ang PDF

ABISO SA PRIVACY PARA SA AMING MGA VENDOR, SUPPLIER AT MGA KASOSYO SA NEGOSYO

Maglaan ng oras para basahin nang mabuti ang sumusunod na impormasyon para ganap mong maunawaan ang aming mga pananaw at kasanayan kaugnay ng iyong personal na impormasyon, kung paano namin ito gagamitin, kung kanino namin ito ibabahagi, at kung ano ang iyong mga karapatan kaugnay ng iyong personal na impormasyon. Inirerekomenda naming i-download at i-store mo ang dokumentong ito sa ligtas na lugar.

Ang abiso sa privacy na ito (ang Abiso na ito) ay nalalapat sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng negosyo na ipinoproseso namin kaugnay ng mga third party (kasalukuyan, inaasahan, at dati) na nagsu-supply ng mga produkto, serbisyo at/o software sa amin. Tiyaking alam ng staff mo na puwede naming makaugnayan ang Abisong ito. Gayunpaman, may ilang partikular na batas sa proteksyon ng data na:

  • hindi itinuturing na personal na impormasyon ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng negosyo basta't ginagamit lang ito para sa komunikasyon/transaksyon sa pagitan ng mga negosyo (halimbawa, Personal Data Protection Act 2012 ng Singapore);
  • itinuturing na personal na impormasyon ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng negosyo pero hindi pa ipinapatupad ang mga probisyong iyon (halimbawa, ang California Consumer Privacy Act 2018 (ayon sa pagkakaamyenda)); o
  • hindi iniaatas sa aming magbigay ng abiso sa privacy bago ang o sa panahon ng pagkuha ng anumang personal impormasyon (halimbawa, sa karamihan sa mga Estado sa USA).

Huling na-update ang Abisong ito noong Nobyembre 14, 2023.

Bukod pa sa Abisong ito, puwede kaming magbigay ng iba pang abiso sa privacy sa mga partikular na pagkakataon kapag kumukuha o nagpoproseso kami ng personal na impormasyon tungkol sa iyo para ganap mong alam kung paano at bakit namin ginagamit ang iyong personal na impormasyon. Sinusuportahan ng Abisong ito ang iba pang abiso sa privacy na iyon at hindi nito layuning ipawalang-bisa ang mga ito.

Nasa layered format ang Abisong ito kaya magagawa mong mag-click para pumunta sa mga partikular na bahaging itinakda sa ibaba:

1. SINO KAMI?

Ang anumang personal na impormasyong ibinibigay sa amin o kinakalap namin ay kinokontrol ng mga sumusunod na entity sa Remitly group:

Australia
Remitly Australia Pty Ltd
Governor Phillip Tower Level 61,
1 Farrer Place, Sydney, 2000

Canada
Remitly Canada Inc (British Columbia corporation)
250 Howe Street, 20th Floor,
Vancouver, BC V6C 3R

EEA (except Poland)
Remitly Europe Ltd
7th Floor Penrose Two, Penrose Dock
Cork, Ireland T23 Yy09

New Zealand
Remitly NZ Limited
Level 30, Vero Centre
48 Shortland Street
Auckland Central
1052 New Zealand

Poland
Remitly Poland SP. Z O.O
Ul. Pawia 17
31-154
Krakow, Poland

Singapore
TMF SINGAPORE H PTE LTD.
38 Beach Road, South Beach Tower, #29-11
Singapore 189767

UAE DIFC
Remitly DIFC Limited
Level 15 Unit Gd-Gb-00-15-Bc-23, Gate District Gate Building
Dubai International Financial Centre, Dubai,
United Arab Emirates

*UK *
Remitly UK Ltd
90 Whitfield Street
London W1t 4ez United Kingdom

USA
Remitly Inc (Delaware corporation)
1111 3rd Avenue, Suite 2400
Seattle WA 98101

Kapag binabanggit namin ang Remitly, kami, amin o namin sa Abisong ito, tinutukoy namin ang nauugnay na Remitly entity na nakakaugnayan mo.

2. PAKIKIPAG-UGNAYAN SA AMIN AT ANG IYONG KARAPATANG MAGREKLAMO

Kung mayroon kang anumang isyu, query o reklamo kaugnay ng aming pagpoproseso ng iyong personal na impormasyon, mag-email sa DPO@remitly.com. Ang aming mga Data Protection Officer ay sina:

Australia
N/A

Canada
DPO (makipag-ugnayan sa pamamagitan ng DPO@remitly.com)

EEA
Jessica Hennessy (makipag-ugnayan sa pamamagitan ng DPO@remitly.com)

Singapore
Robson Chia (makipag-ugnayan sa pamamagitan ng DPO@remitly.com)

UK
Gabriela Galazka (makipag-ugnayan sa pamamagitan ng DPO@remitly.com)

USA
Mariana Paonessa (makipag-ugnayan sa pamamagitan ng DPO@remitly.com)

Mayroon ka ring karapatang magreklamo sa iyong data protection regulator tungkol sa aming pagpoproseso ng iyong personal na impormasyon. Gayunpaman, ikalulugod naming magkaroon ng pagkakataong aksyunan ang iyong mga alalahanin bago ka dumulog sa iyong data protection regulator kaya makipag-ugnayan sa DPO@remitly.com sa unang pagkakataon. Narito ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan para sa mga nauugnay na data protection regulator:

Australia
OAIC
www.oaic.gov.au
Email: enquiries@oaic.gov.au
Telepono: 1300 363 992

Canada
OPC
www.priv.gc.ca
Telepono: 1-800-282-1376

EEA
Dedepende ito kung saan sa EEA ka naninirahan: www.edpb.europa.eu/about-edpb/board/members_en

Singapore
PDPC
www.pdpc.gov.sg
Telepono: +65 6377 3131

UK
ICO
https://ico.org.uk/
Telepono: 0303 123 1113

USA
Dedepende ito sa kung saan sa US ka naninirahan: www.usa.gov/state-attorney-general

3. MGA PAGBABAGO SA ABISONG ITO

Puwede naming amyendahan ang Abisong ito anumang oras, at sa tuwing gagawin namin ito, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng pag-post ng nirebisang bersyon sa aming Site at App. Gayunpaman, kung may plano kaming gumawa ng malaking pagbabago sa paraan ng pagkuha, paggamit, o pag-store namin sa personal na impormasyon mo, magbibigay kami ng paunang abiso sa website namin, at sa pamamagitan ng email.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa alinman sa Abisong ito, o sa anumang pagbabago, i-email kami sa DPO@remitly.com.

4. PAANO NAMIN KINUKUHA, GINAGAMIT AT IBINABAHAGI ANG PERSONAL NA IMPORMASYON?

Personal na impormasyong kinukuha namin: Kung makikipag-ugnayan kayo ng staff mo sa amin (sa pamamagitan ng telepono, email o iba pa), papanatilihin namin ang sumusunod na personal na impormasyon:

  • Pangalan, katungkulan sa trabaho at mga detalye sa pakikipag-ugnayan (gaya ng (mga) email address, address at (mga) numero ng telepono sa trabaho), at anupamang detalye na ibibigay ninyo sa amin kapag nakipag-usap kayo sa amin; at
  • impormasyon at dokumentasyon na nakuha namin tungkol sa iyo at sa staff mo mula sa impormasyong available sa publiko (hal. iyong website, social media at Companies House) kapag nagsasagawa kami ng pananaliksik (gagawin ito para tiyaking nauunawaan ka namin, pati ang staff mo at negosyo mo).

Kung bibisitahin ng iyong staff ang aming website, ipoproseso rin namin ang ilang partikular na personal na impormasyon tungkol sa pagbisita nila. Tingnan ang aming Patakaran sa Cookie.

Puwede rin kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa staff mo mula sa mga social media platform (halimbawa, LinkedIn), maging kapag o kung nag-interact sila sa amin sa mga platform na iyon o in-access nila ang aming social media content (ang impormasyong maaari naming matanggap ay nasasaklawan ng mga setting, patakaran, at/o pamamaraan sa privacy ng naaangkop na social media platform, at hinihikayat ka namin at ang staff mo na suriin ang mga ito).

Paggamit ng iyong personal na impormasyon para sa negosyo: Gagamitin namin ang lahat ng nabanggit na impormasyon para:

  • ibigay sa iyo ang impormasyong hiniling mo sa amin para mapag-usapan natin ang potensyal na pag-supply sa amin para maisulong ang ating mga lehitimong interes;
  • maipatupad namin ang aming kontrata sa third party na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo, produkto at/o software o makapagsagawa kami ng mga hakbang para magkasundo sa nasabing kontrata;
  • pamahalaan ang mga bayad, fee, at singil na dapat bayaran kaugnay ng anumang nauugnay na kontratang napagkasunduan namin ng third party na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo, produkto at/o software;
  • pamahalaan ang aming ugnayan sa third party na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo, produkto at/o software, na kinabibilangan ng pag-aabiso tungkol sa mga pagbabago sa aming mga tuntunin o sa Abisong ito at pagpapanatiling updated sa aming mga rekord;
  • isulong ang mga sumusunod na iba pang lehitimong interes: (i) pagprotekta sa mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Remitly, aming mga customer, vendor, supplier, kasosyo sa negosyo at iba pang propesyonal na contact (ii) pangangalaga ng mga rekord ng mga potensyal na supplier o pagrerekomenda (o iba pa); (iii) pagpapaganda ng aming mga serbisyo at/o produkto; (iv) paggamit, pagtatakda o pagtatanggol sa aming mga legal na karapatan; at/o (v) pagpapadala ng impormasyon o mga materyal na sa tingin namin ay kaiinteresan o kaya ay hiniling; at
  • sundin ang aming mga legal na obligasyon (halimbawa, kung kailangan naming maghayag ng personal na impormasyon sa anumang karampatang ahensyang nagpapatupad ng batas, pangregulatoryong ahensya, ahensya ng pamahalaan, hukuman, o iba pang third party gaya ng, pero hindi limitado sa, pulisya, mga ahensyang nangangasiwa sa pinansya, mga ahensya para sa buwis at social security, mga data protection regulator, pati na rin mga hukuman).

Gagamitin lang namin ang iyong personal na impormasyon para sa mga dahilan ng pagkuha namin dito, maliban na lang kung makatwiran naming mapagpapasyahang kailangan namin itong gamitin sa ibang dahilan na hindi naaayon sa orihinal na layunin. Kung gusto mong makakuha ng paliwanag sa kung paano naaayon ang pagpoproseso para sa bagong layunin sa orihinal na layunin, paki-email ang DPO@remitly.com. Kung kailangan naming gamitin ang iyong personal na impormasyon para sa walang kaugnayang layunin, aabisuhan ka namin at ipapaliwanag namin ang legal na batayang nagpapahintulot sa aming gawin ito. Pakitandaang puwede naming iproseso ang iyong personal na impormasyon nang hindi mo nalalaman o pinahihintulutan, alinsunod sa mga nabanggit na panuntunan, kapag iniaatas o pinahihintulutan ito ng batas.

Pagbabahagi ng iyong personal na impormasyon: Ibabahagi lang namin ang personal na impormasyon sa mga third party sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • iba pang kumpanya sa aming grupo (tingnan sa seksyon 1) kasama ang staff namin (pero magiging limitado ang kanilang paggamit sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin at nang naaayon sa dahilan para sa pagpoproseso);
  • mga vendor, service provider at kasosyo (na may kontrata sa amin) na nagbibigay ng mga serbisyo gaya ng:
    • pag-host ng platform, database at website;
    • information technology at nauugnay na infrastructure (halimbawa, email, instant messaging, pamamahala ng dokumento at pagbabahagi ng file);
    • legal, pagbubuwis at pag-audit; at
  • mga third party kung sakaling magkaroon ng pagbebenta, pagkuha o merger ng ilan sa o lahat ng aming asset kung kasama ang personal na impormasyon mo sa mga inililipat na asset (aabisuhan ka namin kung sakaling mangyari ito, at sasabihin din namin sa iyo ang anumang opsyong mayroon ka tungkol sa personal na impormasyon mo).

Pagpapanatili ng iyong personal na impormasyon: Kung pareho nating mapagpapasyahan na:

  • magkasundo sa isang kontrata at/o iba pang kasunduan, papanatilihin ang impormasyong ito tungkol sa iyong tauhan sa buong panahon ng ating ugnayan at 7 pang taon para sa paggamit, pagtatakda o pagtatanggol sa aming mga legal na karapatan; o
  • hindi magkasundo sa isang kontrata at/o iba pang kasunduan, papanatilihin ang impormasyong ito tungkol sa iyong staff sa panahon ng pagtatanong mo at hanggang kinakailangan ito para maisagawa ang mga layuning dahilan ng pagkuha namin nito, kasama ang pagtupad sa anumang kahingiang nauugnay sa batas, accounting o pag-uulat; o kung iniaatas sa amin ng batas na panatilihin ito nang mas matagal, papanatilihin namin ito sa loob ng kinakailangang panahon at/o kung ginagamit ang impormasyon kaugnay ng mga legal na pagdinig (kasama ang mga inaasahang legal na pagdinig), papanatilihin ito habang isinasagawa ang mga legal na pagdinig na iyon (at anumang pagdinig para sa pagpapatupad).

5. MGA INTERNATIONAL TRANSFER

Puwede naming i-transfer ang iyong personal na impormasyon sa iba't ibang hurisdiksyon para maisagawa ang aming mga obligasyong napapailalim sa Abisong ito at mga nauugnay na kasunduan kasama ang (nang walang limitasyon) mga bansa kung saan kami nagnenegosyo (tingnan sa seksyon 2). Ang mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data sa mga hurisdiksyong iyon ay maaaring naiiba sa mga batas sa proteksyon ng data ng bansang tinitirhan mo, at sa ilang sitwasyon, maaaring hindi sapat ang naibibigay na proteksyon ng mga ito. Sa tuwing ita-transfer namin ang personal na impormasyon mo sa labas ng bansang tinitirhan mo, titiyakin naming mabibigyan ito ng antas ng proteksyon na katulad ng antas ng proteksyong naibibigay ng bansang tinitirhan mo. Halimbawa, kung nasa UK o EEA ka, puwedeng i-transfer ang iyong personal na impormasyon sa mga bansang natukoy ng Pamahalaan ng UK o ng European Commission na nagbibigay ng sapat na antas ng proteksyon para sa personal na impormasyon (kung naaangkop). Sa iba pang sitwasyon, titiyakin naming ipinapatupad ang kahit isang legal na pag-iingat, na maaaring kinabibilangan ng paggamit ng mga partikular na kontratang inaprubahan (kung naaangkop) ng Pamahalaan ng UK o ng European Commission.

Makipag-ugnayan sa DPO@remitly.com kung gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa partikular na pamamaraang ginagamit namin kapag tina-transfer ang iyong personal na impormasyon.

6. ANG IYONG MGA KARAPATAN AT OPSYON

Kaugnay ng personal na impormasyong hawak namin tungkol sa iyo, saan ka man naninirahan, magagawa mong:

  • magkaroon ng access sa iyong personal na impormasyon at impormasyon tungkol sa aming pagpoproseso nito;
  • ipawasto sa amin ang rekord ng personal na impormasyon mong pinapangalagaan namin kung mali ito o para makumpleto ang hindi kumpletong personal na impormasyon;
  • ipabura sa amin, sa mga partikular at limitadong sitwasyon, ang iyong personal na impormasyon o ipatigil ang pagpoproseso rito;
  • kontrahin ang pagpoproseso namin ng personal na impormasyon mo para sa direct marketing;
  • tutulan ang pagpoproseso namin ng personal na impormasyon mo na naipakitang naaangkop batay sa aming mga lehitimong interes;
  • hilingin sa amin, sa mga partikular at limitadong sitwasyon, na limitahan lang sa pag-store ang pagpoproseso ng personal na impormasyon;
  • ipa-transfer sa amin, sa mga partikular at limitadong sitwasyon, ang personal na impormasyon mo sa ibang online provider; at
  • kontrahin ang mga pasyang batay lang sa naka-automate na pagpoproseso, na kinabibilangan ng profiling.

Kung gusto mong gamitin ang alinman sa mga karapatang ito, makipag-ugnayan sa DPO@remitly.com (maaari naming ipa-verify sa iyo ang iyong pagkakakilanlan - makipagtulungan sa amin sa aming mga pagsisikap na i-verify ang pagkakakilanlan mo). Pakitandaang maaari naming kailanganin ang ilang partikular na personal na impormasyon para magawa naming makipagtulungan sa iyo at/o magbigay ng impormasyon sa iyo, kaya puwedeng makaapekto sa impormasyong maibibigay namin ang mga pagbabagong gagawin mo sa mga kagustuhan mo, o ang mga limitasyong hihilingin mong ilapat namin sa kung paano namin ginagamit ang personal na impormasyon.

Hindi mo kakailanganing magbayad ng fee para ma-access ang iyong personal na impormasyon (o para gamitin ang alinman sa iba pang karapatan). Gayunpaman, maaari kaming maningil ng fee kapag pinapahintulutan kaming gawin ito ng mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data. Halimbawa, kung naninirahan ka sa UK o EEA, puwede kaming maningil ng makatwirang fee kung malinaw na walang basehan, paulit-ulit, o labis-labis ang iyong kahilingan. O kaya, puwede naming hindi tuparin ang iyong kahilingan sa mga sitwasyong ito.

Pakitandaan ding kung minsan ay hindi namin mapipigilang gamitin ang iyong personal na impormasyon kapag hiniling mo ito sa amin (halimbawa, kapag kailangan namin itong gamitin dahil iniaatas ng batas na gawin namin ito o kailangan naming panatilihin ang impormasyon para sa regulasyon). Sasabihin namin sa iyo kung hindi namin matutupad ang kahilingan mo, o kung paano ka puwedeng maapektuhan ng kahilingan mo, kapag nakipag-ugnayan ka sa amin.

7. PAANO NAMIN PINOPROTEKTAHAN ANG PERSONAL NA IMPORMASYON

Nagpatupad kami ng mga naaangkop na pag-iingat sa seguridad para maiwasang mawala nang hindi sinasadya, magamit o ma-access sa hindi awtorisadong paraan, baguhin, o ihayag ang iyong personal na impormasyon. Bukod pa rito, nilimitahan namin ang access sa personal na impormasyon mo sa mga empleyado, ahente, contractor at iba pang third party na kailangan itong malaman para sa negosyo. Ipoproseso lang nila ang personal na impormasyon mo ayon sa aming mga tagubilin at may tungkulin silang panatilihin itong kumpidensyal.

Nagpatupad kami ng mga pamamaraan para mapangasiwaan ang anumang pinaghihinalaang data security breach at aabisuhan ka namin at ang sinupamang naaangkop na regulator tungkol sa pinaghihinalaang breach kapag iniaatas ng batas na gawin namin ito.

8. DIRECT MARKETING

May karapatan kang hilingin sa amin na huwag iproseso ang iyong personal na impormasyon para sa marketing. Maaari mong gamitin ang karapatang ito anumang oras sa pamamagitan lang ng pagsasagawa ng mga pagkilos na 'mag-unsubscribe' na ginawang available sa iyo (gaya ng pag-click sa link na 'mag-unsubscribe' sa bawat promotional email na ipinapadala namin sa iyo). Susundin namin ang pipiliin mo at hindi ka na namin papadalhan ng mga nasabing komunikasyon. Pakitandaang kung hihilingin mo sa amin na huwag makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng email sa isang partikular na email address, magpapanatili kami ng kopya ng email address na iyon sa 'suppression list' para makasunod sa iyong kahilingang huwag nang makipag-ugnayan. Malaya mong mababago ang iyong mga pinili sa marketing anumang oras.