Magpadala ng mas malaki at makuha ang aming pinakamagagandang exchange rate
Dalawang taong nagpapadala ng pera sa kanilang teleponoDalawang taong nagpapadala ng pera sa kanilang telepono
ang aming pinakamagandang rate
the United Kingdom

£1

=

Pilipinas

67.68

Mag-pera-padala sa Pilipinas mula sa the United Kingdom

Makuha ang aming mga pinakakumpetitibong rate kapag nagpapadala ka ng mas malaking pera. Makuha ang pinakamagandang rate ng Remitly sa mga transfer na lampas £700.00 at walang babayarang fee sa unang transfer mo.

Verified by VisaGoogle PlayApp Store
Verified by VisaGoogle PlayApp Store

Nalalapat ang promotional na FX rate sa unang £1000.00 na ipapadala. Mga bagong customer lang. Isa kada customer. Alok na may limitadong panahon. Posibleng magbago ang mga rate. Tingnan ang Mga Tuntunin at Kundisyon para sa mga detalye.

Trustpilot
TrustScore 4.3 sa 5
4.5 star
Batay sa 33,072 review saTrustpilot
TrustScore 4.3 | 33,072 review
Kapanatagan
Magpadala sa loob ng ilang minuto mula sa telepono mo. Mga update sa status para sa iyo at sa recipient mo.
Makatipid sa mga fee
Magpadala ng Philippine Pesos simula sa halagang £2.99. Tingnan ang aming buong mga rate at fee.
Nasa oras
May pangako sa delivery ang bawat transfer. Dine-deliver namin ang transfer mo nang nasa oras, kung hindi, isasauli namin ang pera mo. Tingnan ang aming buong listahan ng mga delivery partner.

Paano mag-pera-padala sa Pilipinas sa 3 madaling hakbang

Ilagay ang iyong halaga

Ilagay ang iyong halaga

Ilagay ang iyong halaga ng transaksyon at bilis ng delivery para magsimula.

Gumawa ng recipient

Gumawa ng recipient

Idagdag ang pangalan at mga detalye ng recipient mo.

Kumpletuhin ang iyong transfer

Kumpletuhin ang iyong transfer

Kumpirmahin ang mga detalye ng pagbabayad mo at pindutin ang ipadala. Makakatulong ang mga update sa status para manatili kang updated tungkol sa lokasyon ng pera mo.

Saan magpapadla ng pera sa Pilipinas mula sa the United Kingdom

Para maging madali para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay, puwede mong piliing ligtas na mag-pera-padala nang direkta sa mga bangko, mga lokasyon para sa cash pick up, mga mobile wallet o sa pamamagitan ng delivery sa bahay sa Pilipinas. Mamili sa pagitan ng mga provider gaya ng BDO, BPI, Palawan Pawnshop, Cebuana Lhuillier, M.Lhuillier, mga branch ng SM, LBC, GCash at marami pa. Tingnan ang aming buong listahan ng mga provider.

Ang mga trademark, trade name, at logo na naka-display ay mga rehistradong trademark ng kani-kanilang kaukulang may-ari. Walang anumang affiliation o pag-eendorso ng Remitly na ipinapahiwatig sa mga ito.

Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas

showPaano makakaapekto ang COVID-19 sa transfer ko?
Dahil sa mga pangkaligtasang pag-iingat kaugnay ng COVID-19, nagpapatakbo kami nang may limitadong bilang ng tauhan at mas matagal ang paghihintay kaysa sa karaniwan. Nananatili kaming nakatuon sa paglilingkod sa iyo. Kung hindi nangangailangan ng agarang-pansin ang isyu mo, hinihikayat ka naming maghanap ng mga sagot sa aming Help Center.
Tingnan ang aming Help Center
showAng pinakamainam na paraan para mag-pera-padala sa Pilipinas mula sa UK
Sa Remitly, alam naming malaking bagay ang pag-alis sa bansang kinalakihan mo para manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. Isa kang bayani sa bansa mo kaya naman ipinagmamalaki namin ang mga sarili namin sa pagbibigay ng ganap na kapanatagan pagdating sa pagpapadala ng pera sa mga mahal mo sa buhay. Hindi kami magkakaltas ng malaking halaga sa pera mo sa pamamagitan ng matataas na fee sa pag-transfer, at titiyakin naming simple at mabilis ang buong proseso, para makarating ang pera kung saan ito dapat ipadala, nang hindi gaanong nag-aalala. Mayroon lang ilang simpleng hakbang sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas mula sa UK gamit ang Remitly. Una, kailangan mo lang gumawa ng libreng profile. Pagkatapos ay ilagay ang halagang gusto mong ipadala sa mga kaibigan o pamilya, at piliin kung gusto mo itong ipadala gamit ang aming serbisyong Express o Economy. Ipapakita namin sa iyo ang exchange rate na iniaalok namin sa kasalukuyan, pati na rin ang anumang fee sa pag-transfer. Sasabihin din namin sa iyo ang eksaktong halaga ng perang matatanggap sa Philippine peso. Pagkatapos, ipaalam sa amin ang ilang detalye tungkol sa taong pinapadalhan mo ng pera. Kung gusto mong makatanggap siya ng mga update sa SMS o WhatsApp tungkol sa transfer, ibigay lang sa amin ang kanyang numero ng telepono at gagawin namin ito. Kapag nailagay mo na ang iyong mga detalye ng pagbabayad, makakapagpadala ka na gamit ang iyong credit card, debit card, o sa pamamagitan ng bank transfer sa isa sa aming mga partner na bangko sa Pilipinas, kabilang ang BDO Unibank at BPI.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang Remitly, magbasa rito
showLigtas bang mag-pera-padala online mula sa UK papunta sa Pilipinas?
Nagsisikap kami para matiyak ang iyong kapanatagan. Kaugnay nito, gumawa kami ng mahusay na sistema na nagpapanatili sa iyong protektado anumang oras. Ang iyong kaligtasan at seguridad ang priyoridad kapag ginagamit mo ang Remitly para sa mga online na money transfer sa Pilipinas mula sa UK. Bukod pa sa pakikipagtulungan sa ilan sa pinakamalalaking bangko sa Pilipinas at UK, inirehistro kami ng HMRC bilang money service business, at pinapangasiwaan kami ng Financial Conduct Authority. Napapanatag ang mga customer namin dahil alam nilang ang pag-access sa anumang Remitly account ay palaging sa pamamagitan ng secure na koneksyon sa server na may 256-bit na encryption. Alam naming ang lahat ng pinansyal na transaksyon ay kailangang makapasa sa pagsunod sa KYC (Know Your Customer), habang tinitiyak ng Verified by Visa at Mastercard SecureCode na pinapanatiling secure ang mga detalye ng card. At kung kailangan mo ng makakausap na miyembro ng aming team ng serbisyo sa customer, may mga available kaming tao anumang oras, bawat araw ng linggo, sa pamamagitan ng email, telepono, o online chat. Gusto mo ba ng higit pang impormasyon tungkol sa aming mga panseguridad na proseso, at kung paano matukoy ang mga scam sa Internet?
Magbasa rito
showMagkano ang sisingilin sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas mula sa United Kingdom?
Kung bago ka sa Remitly, walang babayarang anumang fee sa unang transaksyon mo. Bukod pa roon, magkakaroon ka ng karagdagang perk na mas malaking foreign exchange rate. Pagkatapos nito, palagi mong mapapakinabangan ang magagandang exchange rate kapag nagpapadala ng pera sa pamamagitan ng Remitly, na may mga fee mula £ kada transaksyon kapag ginagamit ang aming maginhawang serbisyong Economy at mula £ kapag ginagamit ang aming napakabilis na serbisyong Express. Hinding-hindi sisingilin ng fee ng Remitly ang mga kaibigan at pamilya para sa pagtanggap sa iyong money transfer.
showGaano kabilis nagde-deliver ng pera mula sa UK papunta sa Pilipinas?
Mabalas kang makakapagpadala ng pera sa pamamagitan ng Remitly, gamit ang iyong telepono, tablet, o computer. Kung kailangan mong maipadala kaagad ang iyong pera sa iyong mga kaibigan o pamilya, piliin ang aming serbisyong Express para sa instant na pag-transfer. Kung hindi naman nagmamadali, puwede mong piliin ang serbisyong Economy, na ipapadala ang pondo sa kanila sa loob ng mahigit-kumulang dalawang oras. Ikaw at ang iyong recipient ay papanatilihing updated sa prosesong ito gamit ang aming mga update sa email, text, at WhatsApp. Nagbibigay ng higit pang kapanatagan sa tulong ng aming pangako sa delivery: kung hindi makukumpleto ang iyong money transfer bago ang isinaad na oras at petsa, ire-refund ang iyong mga fee kapag hiniling.
Mag-click dito para makita ang listahan ng aming mga bank partner sa Pilipinas
showPaano makakatanggap ng pera ang recipient ko sa Pilipinas?
Bukod sa mabilis na money transfer sa pamamagitan Remitly at hindi paniningil sa iyong mga recipient ng anumang fee sa pag-transfer, may iba't ibang opsyon ka rin pagdating sa kung paano makokolekta ng mga mahal mo sa buhay ang pondo. Direkta kang makakapag-transfer ng pera sa bank account ng iyong recipient kung iyon ang pinakamainam para sa iyo. Puwede ka ring mag-pera-padala para sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya na kokolektahin sa itinakdang lokasyon para sa cash pickup – puwede na lang siyang pumunta roon dala ang kanyang ID at reference number para i-pick up ang pondo. O kaya ipadala ang pera sa kanyang e-wallet sa mobile phone – isang magandang opsyson para sa mga walang bank account.
Mag-click dito para makita ang listahan ng aming mga bank partner sa Pilipinas

Ligtas at secure

Pinapahintulutan at pinapangasiwaan kami ng Financial Conduct Authority sa ilalim ng Payment Services Regulations 2017 para sa probisyon ng mga serbisyo sa pagbabayad. Nakarehistro rin kami sa HMRC bilang money service business. Nakikipagtulungan din kami sa pinakamalalaking bangko sa Pilipinas at the United Kingdom.